Ormoc Tragedies

Ormoc Tragedies

Noong November 5, 1991 ako ay nag-aaral sa Ormoc City High School ako ay nasa fourth year high school nang mangyari ang hindi ko inaasahan na trahedya at maraming tao ang namatay, ako noon ay umakyat sa bahay ni Mr. Abas doon kami sa may bobungan at sa pagbaba naming ay maraming mga bahay ang nasira at mga taong wala nang buhay at tatlo sa kaklase ko at isa ang guro na namatay sa araw na yon.

Rowena P. Dejaño
1991 FLASH FLOOD



Last November 8, 2013 na nagyari ang pinaka malakas na bagyo na sumira sa maraming bahay sa lugar naming sa barangay Nueva Vista halos 90% ang bahay na naawasak isa na doon ang bahay ko at bahay ng mga kapatid ko, buti nalang may mga NGO na nagbigay sa amin ng mga housing material at ang iba pang mga agency.

Rowena P. Dejaño
TYPHOON YOLANDA



Noong July 6, 2017 na naranasan naming ang pinakamalakas na lindol na nagyari yon ako ay nasa bahay kasama ko ang anak kong bunso at ang asawa ko wala akong magawa kondi umiyak kasi ang mga anak ko ay nasa school pa at buti nalang walang masamang nangyari. Ang bahay ko ay may damage hanggang ngayon nakatira pa kami sa bahay nang magulang ko at wala kaming natanggap na tulong.

Rowena P. Dejaño
2017 EARTHQUAKE