Ormoc Tragedies

Ormoc Tragedies

I don’t remember any experiences during the Ormoc flashflood last November 1990 since I was just 2 years old then.

Janice P. Abedo
1991 FLASH FLOOD



My very tragic and most unforgettable experience was the devastation of Typhoon Yolanda last November, 2013. Talagang naranasan naming ang sobrang lakas ng hangin at ulan. Nakita naming ang sabayang pagbagsak ng mga bahay, paglipad ng mga bubong at yero, mga taong nagsitakbohan sa kasagsagan ng bagyo. Nawalan kami ng bahay at nasira ang lahat ng gamit naming. Tanging basang mga damit lang ang aming naisalba dahil talagang totally damaged ang bahay namin. Ngunit laking pasasalamat ko pa din sa Diyos dahil walang nasaktan sa aming pamilya at may mga taong tumulong upang kami ay makabangon muli pagkatapos ng mapinsalang bagyo.

Janice P. Abedo
TYPHOON YOLANDA



Noong nakaraang July 6, 2017, may nangyari na namang kalamidad sa Ormoc, ang magnitude 6.4 na lindol sumira ng maraming kabahayan lalo na sa bukiring bahagi ng barangay. Nasa barangay ako noong mangyari ang lindol at labis akong natakot at nag-alala sa kalagayan nga aking pamilya dahil ang mismong asawa ko ay nandon sa Brgy. Tongonan na sentro nga lindol.

Janice P. Abedo
2017 EARTHQUAKE