Ormoc Tragedies

Ormoc Tragedies

Noong Ormoc Flashflood taong 1991 November 5 labing isang taong gulang ako noon. Ang naalala ko ay bgayong Oring yun malakas ang ulan at hangin nasa bahay lang kami noon, at nabalitaan nalang namin na binaha na ang bayan ng Ormoc at marami ng namatay. At ang mga bundok na malapit sa amin puro landslide. Ang kalsada sa amin sirang-sira at nagka-landslide din. Sa panahon na ‘yon sobra ang hirap na dinanas naming, naubosan ng bigas ng may dumating na relief goods tinitipid naming ang bigas kadalasan lugaw nalang ang kinakain namin. Sobrang hirap ang dinanas namin noon, nagtiis ng walang tubig pang-inom. Nagmahalan ang mga bilihin, sira ang pananim at ang mga ilog nagka-landslide.

Ma. Fe P. Libres
1991 FLASH FLOOD



Noong Bagyong Yolanda November 8, 2013 ng umaga malakas ang ulan at hangin. Pinasok na ng ulan ang aming bahay, lumikas kami sa bahay ni Berdandino Sepe isa sa may malakaing bahay sa aming barangay. Pagdating namin basang basa kami at di nakapagbihis hanggang sa lumakas ng lumakas ang ulan at hangin dumilim ang paligid kitang-kita kong nag siliparan ang mga bobong nga mga bahay, sa panahon na ‘yon naisip ko na katapusan na ng aking buhay takot na takot ako noon, sa panahon na yon wala kaming almusal at di na rin kami nakakain ng tanghalian at buti nalang nakapagdala ang nanay ko nang kanin at nakakain ang dalawa kong anak at doon nila naranasan nang kumain ng walang ulam, at noong huminto na ang ulan at humina na ang hangin tiningnan namin ang aming bahay wala nang natira sa bahay naming naiyak ako nang di ko maintindihan kong paano kami babangon nawala lahat ng pinaghirapan nawala na ang hanap buhay wala nang matutulugan paano na ang mga anak ko, at walang makapasok sa barangay namin dahil nasira ang kalsada at maraming kahoy ang nakaharang sa daan dalawang araw pa kaming nadatnan ng relief good galing DSWDO, sa pangyayaring yon pag nanaisip ko ayaw ko nang balikan nakakaiyak ang pangyayaring ‘yon sobrang hirap.

Ma. Fe P. Libres
TYPHOON YOLANDA



Noong July 6, 2017, 4:30 ng hapon biglang lumindol ng malakas takot na takot ako dahil nasa school ang dalawa kong anak. Ang panganay kong anak nasa City High nag-aral ng Grade-7 sobrang pag-alala ko, at ako naman at ang asawa ko nasa bahay kami noon. Paglindol di ko maintindihan kong saan ako pupunta dahil natakot ako. Pagtigil ng lindol tumakbo ako papuntang school sa isa kong anak at nadtatnan ko ang lahat ng mga bata nasa plaza at nag iiyakan, nang makita ko ang aking anak napaiyak din ako, at nang nakauwi na ang panganay kong anak na nag-aaral sa City High basang-basa at puro putik ang blouse niya at iyak ng iyak dahil natakot siya dahil nagtakbuhan daw ang mga tao dahil may sumisigaw daw na tsunami takbuhan sila pauwi kaya pagdating niya ng bahay namutla at kawawang-kawawa ang mukha ng bata, at ilang gabi din di ako makatulog dahil natakot ako baka lumakas pa ang lindol. Ang kalsada naming hirap daanan noon dahil nagka landslide malalaking bato ang nakarang sa daan.

Ma. Fe P. Libres
2017 EARTHQUAKE